TATAK NGITI NI TATAY FB CONTEST

Tampok ang pinakamasaya at pinakamatamis na ngiti ni Tatay ngayong Father’s Day 2025!

ALITUNTUNIN NG PALIGSAHAN:

1) Sundan ang aming Facebook page:
Bisitahin at i-follow ang aming opisyal na pahina sa Facebook: General Cargo Express Ltd.
Huwag kalimutang i-like at i-share ang link!

2) Ipadala ang pinakamatamis at pinakamasayang larawan ng inyong Tatay bilang entry sa paligsahan. Siguraduhing may caption (maaaring Ingles, Tagalog, o Taglish) upang mas mailarawan nang mabuti ang larawan.

3) Maaari kang magpadala ng higit sa isang larawan bilang entry. Kung sakaling magkatabla, ang unang nagpadala ng larawan ang tatanghaling panalo.

4) Tanging mga customers mula sa Hong Kong, Macau, at China ang maaaring lumahok.

5)Tagal ng paligsahan:
Magsisimula sa Hunyo 4 at magtatapos sa Hunyo 30. Magkakaroon ng lingguhang panalo na iaanunsyo sa Facebook tuwing Linggo:

  • Hunyo 8 – ₱1,000 G-Cash
  • Hunyo 15 – ₱2,000 G-Cash
  • Hunyo 22 – ₱3,000 G-Cash
  • Hunyo 29 – ₱5,000 G-Cash

6)Kinakailangang dumalo sa photo shoot ang lahat ng nagwagi.Kung walang larawan, walang G-Cash!

7) Ang Gen-Ex Cargo ang may eksklusibong karapatan sa pagpili ng mga mananalo. Ang desisyon ng Gen-Ex Cargo ay pinal at hindi na maaaring baguhin pa.